I . Layunin
- Makikilala ang mga salitang nagsasaad ng kilos
- Magagamit ang mga salitang kilos sa pangungusap
- Maitutukoy ang mga salitang nagsasaad ng kilos.
II. Paksang Aralin
Mga Salitang Nagsasaad ng Kilos
- Sanggunian
Batayang Aklat sa Wika pp.159-160
- Kagamitan
Mga larawan na nagsasaad ng kilos
Ano ang Pandiwa?
Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos.
Halimbawa:
1. naglalaba
2. nagluluto
3. nagwawalis
4. tumatakbo
5. nagsusulat
6. nagbabasa
7. sumasayaw
8. umaawit
9. nakikinig
10.nanonood
Gamitin ang mga pandiwa sapangungusap.
1. Si nanay ay naglalaba
2. Nagluluto ng sinigang na manok si ate.
3. Si bunso ay nagwawalis ng bakuran.
4. Ang oras ay tumatakbo ng mabilis.
5. Si Melchor ay sumusulat ng tula.
6. Si Rina ay nagbabasa ng nobela.
7. Sumasayaw kami ng katutubong sayaw sa teyatro.
8. Umaawit ang mga bata ng masasayang kanta.
9. Nakikinig ako ng balita sa radyo.
10. Nanonood ako ng telenobela sa GMA.
Piliin ang mga salitang kilos sa pangungusap.
- Ang panadera ay nagluluto ng tinapay.
- Ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at gulay sa bukid.
- Ang guro ay nagtuturo sa mg bata.
- Ang sapatero ay gumagawa ng sapatos.
- Ang mangingisda ay nanghuhuli ng isda.
- Ang tindera ay nagtitinda ng pagkain.
- Ang bata ay naglalaro.
- Ang doctor ay nangagamot sa may sakit.
- Ang nanay ko ay naglilinis ng bahay.
- Ang kapatid ko ay sumasayaw ng tinikling.
Mga tamang sagot:
- Nagluluto
- Nagtatanim
- Nagtuturo
- Gumagawa
- Nanghuhuli
- Nagtitinda
- Naglalaro
- Nangagamot
- Naglilinis
- Sumasayaw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento